MANILA, Philippines – May libreng sakay o shuttle rides ang mga may tiket para sa pagbubukas ng 2023 FIBA World Cup sa Agosto 25 sa Philippine Arena.
Sinabi ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na magpapakalat ng 400 na 49-seater buses mula sa 12 take-off points sa Metro Manila at ilang bahagi ng Central Luzon.
Ang mga bus ay magiging available sa:
PITX Bus Terminal
Mall of Asia Arena
One Ayala Bus Terminal
BGC Market Market Bus Terminal
SM Megamall
Araneta City
Trinoma
SM North EDSA
Cloverleaf Ayala Mall Bus Terminal
SM Baliuag
SM Pampanga
SM Clark.
Aalis ang libreng shuttle bus rides ng 11 am at 12 tanghali, at oras-oras mula ala-1 ng hapon hanggang alas-5 ng hapon.
Ang mga interesadong sumakay sa shuttle rides ay maaaring pumili ng kanilang nais na pick-up location at oras sa https://bit.ly/3rNFIR4.
Ang mga bus naman ay magiging available para sa pickup matapos ang Gilas Pilipinas-Dominican Republic game.
Sa opening day, lalaban ang Angola sa Italy at bago ang opening ceremony ay magkakaroon din ng pagtatanghal mula sa The Dawn, Ben & Ben, at Asia’s pop royalty Sarah Geronimo.
Susundan ito ng campaign opener ng Philippine team pagsapit ng 8 ng gabi.
Layon ng SBP na magkaroon ng rekord sa pinakamaraming attendees sa FIBA World Cup sa 32,616. RNT/JGC