Home NATIONWIDE Fil-Am patay sa pamamaril sa California

Fil-Am patay sa pamamaril sa California

NEW YORK, United States- Patay sa pamamaril ang isang 24-anyos na Filipino-American sa California noong New Year’s Eve.

Katatapos pa lamang ng trabaho ni Andrei Gianan, mula Torrance, California, at patungo na sana sa isang New Year’s party nang maganap ang pamamaril. Natagpuan ang kanyang bangkay sa Peck Avenue sa Manhattan Beach ng ala-1:23 ng madaling araw nitong January 1 na may tama ng baril sa ulo.

Kahit nadala siya sa ospital, hindi siya nailigtas ng mga doktor ng Harbor General Hospital  dahil sa tindi ng pinsalang dulot ng tama ng baril na tumagos sa kanyang utak.

“Tragically, he suffered a gunshot wound to his head after New Year’s Eve, and the team of doctors has determined that there is no chance of recovery because of the severity of his head injury that cut through his brain stem,” pahayag ni Nina, pahayag ng biktima, sa GoFundMe.

“This was a total, senseless act of violence, and he was just at the wrong place at the wrong time. The pain that this has left us is unimaginable,” dagdag niya.

Nagdesisyon ang pamilya ni Gianan na i-donate ang kanyang organs.

“We are honoring his life by choosing for him to be an organ donor. In this way, he will continue to live on by helping save other people’s lives,” ani Nina.

Anang Manhattan Beach Police Department, hindi “random attack” ang pamamaril at hindi pa natutukoy ang suspek o mga suspek sa pagpatay sa biktima.

Ang Homicide Bureau of the Los Angeles County Sheriff’s Department na ang nangangasiwa sa imbestigasyon.

Nananawagan ang mga awtoridad sa mga saksi na tumulong na mabigyang-hustisya ang pagkamatay ni Gianan.

Sinusuri na rin ng mga imbestigador ang surveillance cameras sa lugar, sa pag-asang makakalap ng impormasyong makatutulong sa paglutas ng kaso. RNT/SA

Previous articleKalakalan ng gulay sa Baguio, La Trinidad balik-normal na
Next articleHigit 400 toneladang basura nahakot sa Maynila pagkatapos ng Traslacion