Home NATIONWIDE Filipino seafarer na nasaktan sa tumamang Russian missile sa barko, nakauwi na...

Filipino seafarer na nasaktan sa tumamang Russian missile sa barko, nakauwi na sa bansa

MANILA, Philippines – Nakauwi na sa Pilipinas ang Filipino seafarer, na nasaktan nang tamaan ng Russian missile ang kanilang sinasakyang barko sa Black Sea kamakailan.

Matatandaan na nabali ang kaliwang kamay ng naturang seafarer dahil sa pagsabog.

“Filseafarer from Ukraine missile blast returns with his healing fractured left hand,” sinabi ni Hans Cacdac, Department of Migrant Workers (DMW) officer-in-charge, nitong Linggo, Nobyembre 26.

Binanggit din ng DMW officer-in-charge na ang ahensya at ang OWWA ay magbibigay ng post-arrival assistance para suportahan ang seafarer.

Noong Nobyembre 9, nasira ng Russian missile ang isang Liberian-flagged ship malapit sa Odessa, Ukraine, na ikinasugat ng apat na Filipino at ikinasawi ng isang Ukrainian na sakay ng barko.

Ayon sa DMW, kabilang sa mga nasaktang Filipino seafarers ay ang kapitan ng barko, third mate at engine trainee. RNT/JGC

Previous article17,000 na mga bata tumanggap ng Pamaskong regalo mula sa Malakanyang
Next articleGrade 4 stude hinataw ng raketa ng amain