Manila, Philippines – Nagwakas na nga ang pinakabagong hit na serye ng Puregold Channel, ang Ang Lalaki sa Likod ng Profile, sa isang season finale na talaga namang nakapagpasaya at nakapagpakilig sa mga tagasubabay.
Finally, nagtagpo na ang mga bidang sina Bryce (Wilbert Ross) at Angge (Yukii Takahashi), na nagpasyang maghiwalay ng landas sa nakaraang episode ng serye.
Ito na nga ang hinahangad na ‘happily ever after’ ng mga tapat na tagasunod ng ALSLNP.
At the end, nagpamalas ng napakaraming aral ang ALSLNP sa mga realidad ng buhay na damang-dama ng mga manonood.
Winner ang Ang Lalaki sa Likod ng Profile dahil sa pagbibigay nito ng aliw sa 219,000 nitong subscribers, pati na rin sa mga manonood sa iba pang platform.
Nag-viral nga ang season finale at ayon sa mga numero, kita rin ang tagumpay na ito ng ALSNP.
Sa YouTube, ang views ng episodes ay mula 150,000 hanggang 300,000. Sa mga trailer naman, mayroong 190,000 hanggang 270,000 views.
Dahil sa tuwa ng mga fan, inihahayag nila ang mga naiisip at nararamdaman sa mga komento, na puno ng mga puri at paghanga sa bawat episode.
“Masaya kami na lumikha kami ng kuwentong ipinapakita ang kultura at pinahahalagahan ng mga Pilipino, at pati na rin ang mga napapanahong isyu,” ani Ms. Ivy Hayagan-Piedad, ang Marketing Manager ng Puregold,
Hindi rin mapigil ng mga fan na ibahagi ang kanilang pagkasabik sa huling episode:
Sabi ni @easterlizaborcelis, “Grabeng ganda. Lagi akong nakaabang sa episode nito. More please.”
“Naaliw ako sa series na ito. More projects for these actors and actresses. Sarap din minsan makanapanood ng light lang na drama, may comedy pa,” dagdag ni @pril0413.
Maaari pang makibahagi sa fandom ng ALSLNP at mapanood ang nakaraang mga episode, na nakatampok sa opisyal na Puregold YouTube Channel. Sa mga hindi pa nakapapanood ng huling episode ng Ang Lalaki sa Likod ng Profile, maaari ring panoorin ang finale sa YouTube. JP Ignacio