Home NATIONWIDE Finland kauna-unahang bansa na magtuturok ng bird flu vax sa tao

Finland kauna-unahang bansa na magtuturok ng bird flu vax sa tao

Plano ng Finland na mag-alok ng preemptive bird flu vaccination sa susunod na linggo sa ilang manggagawang may exposure sa mga hayop.

Ito ang inihayag ng health autority sa nasabing bansa.

Base sa Reuters ang nasabing hakbang ay ang kauna-unahan sa buong mundo.

Napag-alamagn ang Nordic country ay bumili ng mga bakuna para sa 10,000 katao, bawat isa ay binubuo ng dalawang iniksyon, bilang bahagi ng magkasanib na pagkuha ng EU ng hanggang 40 milyong dosis para sa 15 mga bansa mula sa tagagawa ng CSL Seqirus. RNT