Home HOME BANNER STORY Fireworks-related injuries umabot na sa 16 – DOH

Fireworks-related injuries umabot na sa 16 – DOH

MANILA, Philippines – Umabot na sa 16 ang naitalang mga kaso ng fireworks-related injuries (FWRI) nitong Pasko, Disyembre 25 ayon sa Department of Health (DOH).

Isa rito ang napinsala sa mata kahit hindi nagsindi ngunit nasa gawi nang itinalagang lugar.

Sa inilabas na paalala ng DOH, sinabi na mag-ingat sa mga designated na lugar dahil maaari pa ring makapinsala kahit hindi sila mismo ang nagsindi nito.

Dagdag pa ng DOH, mainam na gawin ng mga propesyonal ang palabas sa mga community fireworks display, na may mga nanonood sa malayo at ligtas ma distansya.

Ang mga bagong kaso ay mula 6 hanggang 35 taong gulang na may isang babae lamang.

Naganap ang 94% sa bahay o kalye. Karamihan sa insidente ay nasa NCR na may 31%, pito o 44% sa mga sangkot na paputok ay legal.

Ang kabuuang bilang ng kaso ay nasa dalawampu’t walo (28) o 36% rito ay hindi nangialam o nagsindi ng paputok. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleSahara Bernales, hibang sa sex!
Next articleSuspek na namaril sa Christmas party sa Cebu, arestado!