MANILA, Philippines – Nagpaabot ng kanyang pagbati si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa kanyang better half na si First Lady Liza Araneta – Marcos para sa kanyang kaarawan ngayong araw.
SA Facebook account ng Pangulo, binati nito ng happy birthday ang unang ginang na kanyang tinawag na dearest.
Kalakip ng pagbati ng maligayang kaarawan ay isinabay din ng Pangulo ang kanyang pasasalamat sa kanyang kabiyak.
Nuong isang taong kaarawan ng first lady ay isang surprised party ang inialay dito ng Pangulo kasama ang kanilang tatlong anak na sina Congressman Sandro, Simon at Vinny Marcos.
Bahagi naman ng naging mensahe ng Pangulo Kay first lady nuong kanyang 63rd birthday ay ang mga katagang….
“Sometimes it’s really hard to believe that she did me the favor of marrying me” na ikinakilig ng mga malalapit na kaibigang kasama sa surprised party. Kris Jose