Home OPINION ‘FIRST ORDER’ NG BAGONG NCRPO DIRECTOR

‘FIRST ORDER’ NG BAGONG NCRPO DIRECTOR

160
0

MATAPOS ang sampung araw mula nang ianunsiyo ang pagkatalaga bilang bagong regional director ng National Capital Region Police Office, pormal na naupo nitong Biyernes si PBGen Jose Melencio Nartatez Jr., dating hepe ng Directorate for Intelligence ng Philippine National Police.

Nagsilbing panauhing pandangal at tagapagsalita si PNP chief P/Gen. Benjamin Acorda Jr. sa ginanap na turn-over sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City kung saan bukod sa pagbibigay ng kanyang congratulatory remarks kay Nartatez ay inihayag nya rin ang kanyang 5-point agenda.

Sa kanya namang pagtanggap sa responsibilidad na iniatang sa kanyang balikat kasama ang hamon sa kanyang pamumuno, buong puso at tapang na tinanggap ng bagong hepe ng NCRPO.

Ang ‘first order of the day’ ni Gen. Tateng, tawag kay Nartatez ng mga kakilala at kaibigan, ay makipag-ugnayan sa mga mamamayan sa pamayanan at ipamahagi ang kanilang mga contact numbers nang sa gayon ay madali na lang silang matawagan ng mga tao sa komunidad sa oras na sila ay may kailangan lalo na sa usapin ng kaayusan at kapayapaan.

Kabilang sa dapat nakakuha at makuha ang contact number ay ang barangay chairman at mga kagawad, pastor, pari, mga negosyante, hepe ng mga tanggapan ng pamahalaan at iba pang kilala sa pamayanan.

Tama naman ang hakbang na ginawa ng bagong hepe ng NCRPO dahil ito ay hango sa proyekto ng dating PNP chief na si Ret. Gen. Rodolfo Azurin Jr. na ‘Simbayanan’.

Ipinatupad ni Nartatez, miyembro ng Philippine Military Academy Tanglaw Diwa Class of 1992,  ang proyekto sa Region 4A o Calabarzon  na malaki ang kanyang naging pakinabang sapagkat hindi na siya nahirapan na makipag-ugnayan at tingnan ang mga kaganapan sa kanyang nasasakupan sapagkat mismong mga tao o mamamayan na ang nakikipag-ugnayan at nakikipagtulungan sa kanya at sa kanyang mga pulis.

Naging madali noon ang kooperasyon at koordinasyon sa pagitan ng PNP at pamayanan.

At alam ng Pakurot  na sumunod kay Tateng ang kanyang mga tauhan dahil kapag hindi maganda ang samahan ng pulis at mamamayan, “minamalas” ang opisyal na nakatalaga sa lugar.

Kaya naman kasama rin sa kanyang pahayag nang tanggapin niya ang posisyon, ay ang pakiusap sa mahigit 32,000 miyembro ng NCRPO na magtrabaho at magserbisyo sa mamamayan upang maging maayos at payapa ang pamayanan.

 

Previous article40 LUGAR SA BANSA, NANGANGANIB SA CLIMATE CHANGE
Next articleDAPAT MAY ‘MGA ULONG GUMULONG’ SA NBI

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here