Home ENTERTAINMENT First shooting day ni Kathryn, pinag-uusapan na!

First shooting day ni Kathryn, pinag-uusapan na!

Manila, Philippines – Ayon sa aming source, pinag-uusapan na ng Kapamilya network at ng Star Cinema ang posibleng araw ng shooting ng Asia’s Superstar na si Kathryn Bernardo sa kanyang unang pelikula, ang “Elena,” after nitong pumirma ng bagong kontrata sa ABS-CBN at Star Cinema.

Sa nasabing movie, hindi pa ni-reveal kung sino kina Piolo Pascual at Jericho Rosales ang makakasama ni Kathryn, subalit may umuugong na balita na baka raw si Echo ang makakasama ng aktres. Naantala ang date ng supposedly first shooting day next month dahil sa biglaang pagpanaw ng Kapamilya network big boss na si Deo Endrinal last February 3, 2024.

Isa ito sa mga umano’y nasa nilagdaang kontrata ni Kathryn sa ABS-CBN, na walang magdidikta sa kanya kung sino ang kanyang magiging leading man.

Nauna nang naiulat na parte ng kanyang pinirmahang kontrata ang pagbabawal na makasama niya ang ex na si Daniel Padilla sa anumang project na gagawin sa network.

Naibahagi ito ng actress sa panayam ni MJ Felipe ng ABSCBN News kung saan natanong siya tungkol sa “Freedom to Choose” at kung gaano ito kaimportante sa kanya.

Ayon kay Kathryn siya raw yung taong ayaw na hinahawakan ang kanyang buhay: “Super. Kasi ako yung klase ng tao na ayokong feeling ko hindi ko hawak ‘yung buhay ko, ayoko ng may nagdi-dictate sa ‘kin.” Ador Saluta

Previous articleWalk for Life isinagawa bilang pagpapakita ng kahalagahan ng buhay
Next articleKapatid ni Dom, nag-deny sa cryptic post!