MANILA, Philippines – Pansamantalang sinuspinde ng Department of Migrant Workers (DMW) ang deployment ng first-time applicants para sa mga gustong magtrabaho sa Kuwait sa gitna ng kasalukuyang pag-uusap upang masiguro ang kaligtasan at kapakanan ng mga overseas Filipino workers (OFWs) kasunod ng pagkamatay ng domestic worker na Jullebee Ranara.
Sinabi ni DMW Secretary Susan “Toots” Ople na ang desisyon ay saklaw lamang ng desisyon ang mga kontrata ng Kuwait-bound first-time OFW domestic workers, lalo na ang mga household service worker.
Ang serye ng bilateral talks sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait ay naka-iskedyul na upang talakayin ang kapakanan ng mga OFW.
Gayunman, ipinaliwanag ni Ople na ang deployment ban ay hindi isinasaalang-alang dahil makakaapekto ito sa humigit-kumulang 260,000 OFWs, nasa 195,000 sa kanila ay mga household service worker, na kasalukuyang nasa Kuwait.
Sa halip na Kuwait, sinabi ni Ople na may mga bansa pang maaring pagpilian ng mga domestic workers.
Binanggit din ng kalihim ang magandang relasyon ng Saudi Arabia at Pilipinas pagkatapos ng bilateral talks noong Nobyembre 2022. Jocelyn Tabangcura-Domenden