Home NATIONWIDE Fishers’ shelter sa Ayungin, target itayo

Fishers’ shelter sa Ayungin, target itayo

MANILA, Philippines – Ikinokonsidera ng pamahalaan ang pagtatayo ng shelter para sa mga mangingisda sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea, sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Martes, Disyembre 26.

“Siguro po pagplaplanuhan pa iyan kasi it should be an inter-agency program,” pahayag ni AFP Spokesperson Colonel Medel Aguilar sa public briefing.

“Ang name-mention pong structure is para siyang shelter para sa mga fisherfolk and therefore it will involve different government agencies,” dagdag pa niya.

Ani Aguilar, handa ang AFP na ipatupad ang bahagi nito sa implementasyon ng proyekto.

Noong Disyembre 12, sinabi ni dating Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na dapat magtayo ng istruktura ang Pilipinas sa Ayungin Shoal kasunod ng mga pag-atake ng China laban sa mga barko ng bansa sa WPS.

“We will put up a civilian structure at the Ayungin Shoal. For example, magtayo tayo ng lighthouse, or marine scientific research center. Kasi Ayungin Shoal is part of our exclusive economic zone (EEZ), tayo lang ang pwedeng magtayo ng struktura doon exclusively,” ani Carpio.

“Dapat ‘yun ang gawin natin. Instead of sending military supplies, we will be sending later on civilian supplies. Iko-convert natin ‘yung activity from military to civilian,” dagdag pa niya.

Noong Agosto, nauna nang sinabi ni Senador Francis Escudero na target niyang ipanukala ang alokasyon ng nasa P100 milyon sa 2024 national budget para sa konstruksyon ng lodging facility sa Ayungin Shoal. RNT/JGC

Previous articleBFP naka-red alert ‘gang Bagong Taon
Next articleLibreng menstrual products sa mga babae, ipinanukala sa Senado