Home NATIONWIDE Fishery sector binalaan ni Villar vs overfishing: ‘Disyerto sa dagat, possible’

Fishery sector binalaan ni Villar vs overfishing: ‘Disyerto sa dagat, possible’

Ginisa ni Sen. Cynthia Villar ang dating direktor ng Environmental Management Bureau (EMB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na si William Cuñado at iba pang opisyal ng ahensya at ng Philippine Reclamation Authority (PRA) ukol sa pag-isyu ng Environmental Compliance Certificate (ECC) na nagbigay ng permiso sa reclamation projects sa Manila Bay. Cesar Morales

MANILA, Philippines – Binalaan ni Senador Cynthia Villar na magkaroon ng mahusay na pamamahala at proteksiyon ng pangisdaan sa buong bansa upang matiyak na patuloy ang suplay ng pagkain mula sa karagatan, kita ng mangingisda at trabaho sa food processor at katulad na paggawa.

Sa kanyang talumpati sa ginanap na Department of Agriculture- BFAR 3rd Fisheries Management Area Summit sa Cebu City nitong Huwebes, sinabi ni Villar na dapat patuloy ang pangangalaga sa pangisdaan bilang pangunahing sangkap sa food security.

“Fisheries management is crucial to ensure that fishing activities are conducted in a way that minimizes detrimental impact on fish stocks and ecosystems” ani Villar.

Binigyang diin din ng senador ang pangangailangan ng BFAR ng suporta ng lokal na komunidad at eksperto sa iba pang ahensiya ng pamahalaan, regional organizations at NGOs upang pamahalaan at pangasiwaan ang complex marine ecosystems na nagtataguyod sa fisheries.

Dahil, nagbabala ang senador laban sa banta ng overfishing sa bansa na hindi malayo, kapag hindi nasugpo, magkakaroon ng disyerto sa karagatan sa 2050.

“It will mean a collapse of the fishing sector as a source of livelihood,” giit ni Villar.

Bilang suporta sa fishery sector, itinaguyod ng senador ang pagsasabatas ng Republic Act 10654 na nag-amyenda sa RA 8550 (Philippine Fisheries Code of 1998) noong Pebrero 27, 2015.

Sa binagong batas, pinarurusahan din ang illegal, unreported at unregulated fishing (IUUF) na may mataas na parusa.

“The amended law also states that it is now unlawful to fish or take, catch, gather, sell, purchase, possess, transport, export, forward or ship out aquatic species listed by the Convention on the International Trade in Endangered Species of Wild Flora and Fauna,” pahayag ni Villar.

“The law also puts the Philippine fishing legislation at par with other countries, especially the conservation of threatened aquatic species, straddling and highly migratory species, and other marine resources,” dagdag pa niya.

Sinisiguro rin ng batas na ang management ng fishery at aquatic resources ay ayon sa ecosystem-based-approach sa pangingisda.

Kabilang ang Pilipinas sa top 10 fish and seafood producers sa buong mundo na may 4.42 million tons ng fish production noong 2019.

Mula sa produksyong ito, 10.5% ang pang-export samantalang 89.5 percent ang sa local consumption at iba pang gamit.

“Local fisheries production in 2023 slipped by 1.8 percent to 4.26 million metric tons from 4.34 million MT in 2022 as catch by both commercial and municipal fishers decreased, according to the Philippine Statistics Authority (PSA),” ayon kay Villar.

Ang domestic aquaculture ang nag-iisang subsector na lumago sa naturang panahon. Lumawak ang output nito ng 1.5 percent sa annual basis na 2.38 MMT. Ito ang may pinakamalaking kontribusyon na 56 percent sa total fisheries production noong 2023. Ernie Reyes

Previous articlePanibagong alibi ni Quiboloy sa show-cause order, sinopla ni Risa: ‘Magpakita ka na lang’
Next articleCassy, ibinuking si Paulo!