Home METRO Fishing ban sa karagatang sapul ng oil spill ‘wag alisin – BFAR

Fishing ban sa karagatang sapul ng oil spill ‘wag alisin – BFAR

240
0

MANILA, Philippines – Inirekomenda ng Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) na panatilihin ang fishing ban sa mga lugar na apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro dahil sa bahagyang pagtaas ng langis at grasa sa tubig at mga sample ng isda.

Sa isang press release, sinabi ng DA-BFAR nitong Martes na ang pinakahuling pagsusuri ay nagpakita na bahagyang tumaas ang langis at grasa sa mga sumusunod na lugar:

  • Clusters 1 (Calapan at Naujan)

  • Cluster 3 (Bansud, Gloria, at Pinamalayan)

“The recent analyses likewise showed that the fishing waters in Clusters 4 (Bongabong, Bulalacao, Mansalay, and Roxas) and 5 (Baco, Puerto Galera, and San Teodoro) were within acceptable standards for fishing activities,” saad sa abiso.

“Currently, the provincial government of Oriental Mindoro allows the fisherfolk of Calapan and Naujan to fish in the municipal waters of Baco, Puerto Galera, and San Teodoro. On the other hand, the fisherfolk of Pola, Bansud, Gloria, and Pinamalayan are allowed to fish in Bongabong, Bulalacao, Mansalay, and Roxas,” dagdag pa ng BFAR.

Samantala, sinabi ng ahensya na patuloy ang pagsusuri at pagmomonitor sa lugar upang magtatag ng time-series observation, na siyang magiging batayan ng mga rekomendasyon nito para sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno at mga tanggapan ng lokal na pamahalaan.

Matatandaan na ang MT Princess Empress ay lumubog noong Pebrero 28 sa labas ng Naujan, Oriental Mindoro, habang may dalang 900,000 litro ng pang-industriyang gasolina. RNT

Previous articleCasiguran nabilad sa nakamamatay na init
Next articleBahay-ampunan sa QC pinasara ng DSWD

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here