Home NATIONWIDE Fishing groups, fisherfolk nanawagan sa full implementation ng Fisheries Code

Fishing groups, fisherfolk nanawagan sa full implementation ng Fisheries Code

MANILA, Philippines – Nanawagan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga lider ng fishing communities, organisasyon at key stakeholders para isulong ang full implementation ng Philippine Fisheries Code.

Sa pahayag nitong Lunes, Disyembre 18, sinabi ng
National Anti-Poverty Commission Artisanal Fisherfolk Sectoral Council (NAPC AFSC) na hindi sinasang-ayunan ng mga mangingisda ang proposed amendments sa Republic Act (RA) 10654 o ang Amended Fisheries Code of the Philippines.

Partikular dito ang probisyon na pumapayag sa commercial fishing sa mga lokal na katubigan batay sa lalim na 20 fathoms, sa halip na ang distansya ng fishing site mula sa dalampasigan.

Sa ilalim ng RA 10654, pinapayagan ng lokal na pamahalaan ang small at medium commercial fishing vessels na mag-operate sa municipal waters mula 10.1 hanggang 15 kilometro batay sa kondisyon katulad ng pagbabawal sa commercial fishing sa municipal waters na may lalim na mas mababa sa seven fathoms, pamamaraan at gamit sa pangingisda na tinukoy sa polisiya, pagkonsulta sa Municipal/City Fisheries and Aquatic Resources Management Councils (M/CFARMC), at pagpayag sa applicant vessels na hindi lumabag sa kahit anong batas o panuntunan.

Nilikha ni NAPC AFSC Vice Chairperson for the Basic Sectors Ruperto Aleroza ang national ar regional force upang palawakin ang pagkaunawa ng publiko sa isyu at suportahan ang panawagan ng proteksyon sa karapatan ng mga mangingisda sa municipal waters bilang tugon sa planong pag-amyenda sa batas.

Nilikha rin nito ang Policy Forum sa Mandatory Review ng Philippine Fisheries Code sa Quezon City noong Agosto.

Nagpahayag ng buong suporta ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa panawagan ng AFSC na ipatupad ang batas sa halip na tanggapin ang proposed amendments.

Nilahukan si Aleroza ni Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr. sa pagprotekta sa municipal waters at pakinggan ang rekomendasyon ng fisherfolk sector.

“Hiling namin sa Kalihim ng Kagawaran ng Agrikultura na seryosong pangunahan ang pangangalaga sa ating katubigang munisipal sa pamamagitan ng pagpapatupad ng batas na nagbabawal sa lahat ng proyekto at mga uring pangingisda na makasisira sa mga mahahalagang rekurso ng ating pangisdaan,” ani Aleroza.

Umaasa ang NAPC AFSC na matupad ang sinabi ni Tiu-Laurel na magsasagawa siya ng research at tutugunan ang pangangailangan ng mga mangingisda.

“Narito kami ngayon at naghahain ng mga mungkahi na alam naming magsisilbing solusyon sa lumalalang kalagayan ng ating katubigan at mga artisanong mangingisda,” aniya.

Bago rito, sinabi ni Tiu-Laurel na tinitignan ng Department of Agriculture ang pagpapaunlad at pangangasiwa sa marine at agro-industrial estates sa buong bansa, at pagsisiguro ng sapat na suplay ng pagkain bilang tugon sa Philippine Rural Development Program.

Dagdag din niya na ang marine at agro-industrial estates ay magiging one-stop shops housing ports, cold-storage facilities, silos at warehouses para paglagakan ng farm at marine products katulad ng bigas, asukal, gulay, mantika, at iba pang pangunahing produkto. RNT/JGC

Previous articleComelec tatalima sa kautusan ng SC sa Smartmatic
Next articleNCSC nagpaalala sa mga senior, alamin kung rehistrado sa PhilHealth