Home NATIONWIDE Fishing vessel lumubog sa Batangas, 13 crew nasagip

Fishing vessel lumubog sa Batangas, 13 crew nasagip

461
0

MANILA, Philippines – Nasagip ang 13 crew members ng isang fishing vessel matapos lumubog sa humigit-kumulang pitong milya mula sa baybayin ng Cape Santiago, Barangay Bagong Silang, Calatagan, Batangas,

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) Batangas Station, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa nanay ng isa sa mga crew na ang Anita Dj II ay lumubog sa Batangas.

Ang nasabing bangka na may gross tonnage na 448.83 tonelada at net tonnage na 273.59 tonelada ay pag-aari ng IRMA Fishing na umalis ng Navotas Port patungo sa Palawan fishing grounds.

Agad nakipag-ugnayan ang Coast Guard Station Batangas sa kompanya ng motorbanca at inatasan na magbigay ng tugboat para sa towing operation ng naturang bangka.

Gayundin, nakipag-ugnayan din ang PCG Batangas sa Harbour Star Towage Company at humiling ng tulong kung saan ang Motor Tug Great Lark ng kumpanya ay tumuloy sa nasabing lokasyon upang magsagawa ng mga posibleng towing operations.

Namataan ng search and rescue team ng Coast Guard Sub Station Calatagan ang bangka at sinagip ang mga tripulante na agad binigyan ng medical assistance ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office.

Iniimbestigahan na rin ang mga tripulante sa dahilan ng aksidente.

Nakipag-ugnayan din ang PCG sa MDRRMO para ihanda ang available na oil spill response at ang mga lokal na opisyal ng turismo upang ipaalam sa mga may-ari ng resort at mga lokal na barangay na maging mapagbantay sa posibleng oil spill.

Ipinaalam ng CGS Batangas ang Marine Environmental Protection Group at Coast Guard Station Mabini Batangas na makipag-ugnayan sa mga kumpanya ng langis para sa tulong sa posibleng pagtugon sa oil spill. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articlePH-UK ties palalakasin sa pagbisita ng British foreign secretary
Next articleUnang araw ng COC filling, naging maayos – Comelec

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here