FLM, nakahalo sa ibang preso, walang special treatment – NBI

FLM, nakahalo sa ibang preso, walang special treatment – NBI

May 20, 2020 @ 2:30 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – “Walang special treatment”

Ito ang sinabi ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pagkaka-aresto kay Francis Leo Marcos o “FLM.”

Ayon sa panayam ng Remate Online kay NBI-PIO Chief Nick Suarez, si FLM ay kasamang nakakulong ng iba pang preso sa NBI detention facility.

Ikinulong aniya si FLM o Norman Mangusin dahil ang isa sa kaniyang kinakaharap na kaso na Anti-Human Trafficking in Persons Act ay non-bailable.

Habang ang tatlong iba pa niyang kinaharap na kaso kabilang ang paglabag nito sa  Optometry Law na naging dahilan ng pag-aresto sa kaniya ay may piyansang  P20,000.

Nasa halagang P24,000 naman ang bail nito sa kasong paglabag sa RA 9262 o Exploitation and Abuse of Children and Women.

Habang ang Human Trafficking and Estafa ay P10,000 ang kaniyang ilalagak na  piyansa.

Gayunman, bagamat bailable ang tatlong iba pang kaso, sinabi ni Suarez na “kulong” pa rin si FLM sa Anti-Human Trafficking dahil wala itong rekomendadong piyansa.

Dahil dito, kanila pang bineberipika ang tunay niyang pangalan dahil nag-apply aniya ito ng NBI clearance gamit ang ngalang Norman Mangusin.

“Aalamin pa natin yung tunay niyang pangalan dahil nag-apply daw yan ng NBI clearance, madali lang  naman yan malalaman dahil may picture at finger print” ayon pa kay NBI-PIO Chief Suarez. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Share

Comment (1)

  • Giuseppe Giordano Reply

    May magulo kang pahayag, icorrect mo. Ang human trafficking kamo ay 10k ang ilalagak na piyansa pero sa huli ay wala kamo itong rekumendadong piyansa.

    May 23, 2020 at 2:13 pm

Leave a Reply

Loading...