MANILA, Philippines – Lubog sa baha ang ilang lugar sa Metro Manila at iba pang lugar matapos ang malakas na buhos ng ulan ngayong Huwebes ng umaga.
Sa Quezon City, binantayan ang hanggang dibdib na baha sa bahagi ng Araneta Avenue kung saan nasira ang ilang sasakyan na nagtangkang tumawid sa lugar.
Hanggang baywang na baha ang nabuo sa Maria Clara Street corner Don Jose Street habang hanggang paa ang baha sa Banawe Street corner N.S. Amoranto Street at Caliraya Road.
Naiulat din ang mga pagbaha sa N.S. Amoranto Street malapit sa Sto. Domingo Avenue at Calamba Street, ayon sa ulat.
Sa Maynila, ang bahagi ng España Boulevard mula Maceda Street hanggang University of Santo Tomas ay hindi madaanan ng mga sasakyan dahil sa pagbaha, ayon sa ulat ng Darlene Cay.
Sa Marikina City, umabot na sa unang alarma ang lebel ng tubig sa Marikina River sa 15 metro alas-5:30 ng umaga. Kapag umabot na sa ikalawang alarma sa 16 na metro, ililikas ang mga residente sa mababang lugar.
Batay sa flood alert, sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na may mga baha sa mga sumusunod na lugar:
Quezon City
-N.S. Amoranto Street-Banawe Street northbound (NB) at southbound (SB) – hanggang tuhod bandang 6:56 a.m.
-E. Rodriguez sa harap ng Delos Santos Medical Center eastbound (EB) at westbound (WB) – lalim ng tuhod bandang 6:56 a.m.
-Quezon Avenue-Biak na Bato Street WB – malalim na kanal bandang 6:47 a.m.
-E.Rodriguez Avenue-Araneta Avenue – 19 inches at 5:23 a.m.
-G. Araneta Avenue corner Baloy Street – hanggang tuhod bandang 5:40 a.m.
-Commonwealth Avenue-Tandang Sora Avenue WB – malalim na kanal bandang 5:24 a.m.
Maynila
-Pedro Gil Street-Quirino Avenue NB – 8 pulgada sa 5:07 a.m.
-España Boulevard-Lacson Avenue intersection – 8 pulgada sa 5:20 a.m.
-España Boulevard corner M. Dela Fuente Street -12 inches at 5:20 a.m.
-Pureza RMB WB – 8 pulgada sa 5:20 a.m.
-V. Mapa- RMB WB – 8 pulgada sa 5:20 a.m.
-Kalaw Avenue-Roxas Boulevard NB – 8 inches at 5:21 a.m.
Pasay
-Andrews Avenue-Tramo Street – 8 pulgada 5:40 a.m.