Home NATIONWIDE Flood control projects sa 2024 nilaanan ng P215.64-B budget

Flood control projects sa 2024 nilaanan ng P215.64-B budget

TINITINGNAN ng administrasyong Marcos ang budget allocation na P215.643 billion para pondohan ang flood mitigation projects para sa taong 2024.

Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na ang panukalang budget ay kasama sa 2024 National Expenditure Program (NEP) para sa Department of Public Works and Highways (DPWH) Flood Management Program.

“In 2023, for this year, we have a budget of P185 billion and for 2024, we proposed P215.643 billion under the Department of Public Works and Highways’ Flood Management Program,” ayon sa Kalihim.

Sinabi pa ni Pangandaman na sa ilalim ng panukalang 2024 project ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), tinatayang may P1.3 billion ang gagastusin para sa flood mitigation projects.

Mayroon din aniyang “foreign-assisted” projects gaya ng Pampanga Integrated Disaster and Risk Resiliency Project at ang Bulacan Angat Water Transmission Project.

“For Pampanga, it’s a loan so we just funded the government counterpart. So for the Pampanga, it’s P1.397 billion and for Bulacan, it’s P7.4 billion,” dagdag na wika ni Pangandaman.

Samantala, humirit naman ang administrasyong Marcos ng P543.45 billion para sa implementasyon ng climate change mitigation at adaptation projects at mga programa para sa susunod na taon.

Ang panukalang budget para sa climate change expenditure tagging ay katumbas ng 9.4% ng kabuuang panukalang budget, lampas sa commitment ng gobyerno na 8% share sa ilalim ng Philippine Development Plan 2023-2028.

“Much of the projects is for water sufficiency (P294.46 billion); for sustainable energy (P180.72 billion); for climate-smart industries and services (P6.02 billion); for ecosystem and environmental sustainability (P5.95 billion),” ayon pa rin sa Kalihim.

“Another P12.97 billion [will be] for knowledge and capacity development; food security (P40.18 billion); human security (P2.58 bilion); and cross cutting actions (P550 million),” dagdag na pahayag nito. Kris Jose