Home NATIONWIDE Floor price ng mga sigarilyo, vape binago ng BIR

Floor price ng mga sigarilyo, vape binago ng BIR

469
0

MANILA, Philippines – Binago ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang floor prices para sa mga sigarilyo, heated tobacco, vaporized nicotine at non-nicotine products.

Batay sa memorandum circular na inilabas noong Mayo 5, ang bagong floor price para sa isang pakete ng sigarilyo ay nasa P114.60 habang ang isang ream ay nagkakahalaga ng P1,146.00.

Ang minimum price naman para sa isang pack ng heated tobacco products ay P120.40 na.

Para sa mga vapor product, ang pod ng nicotine salt ay may minimum price nang P200 kada 2ml at P354.97 sa 4ml.

Ang isang bote ng conventional freebase o classic nicotine ay nagkakahalaga naman ng P179.20 sa 10ml, at P403.20 sa 30ml.

Ayon sa BIR, ang bagong floor price o minimum retail price ay nakabase sa kabuuan ng production cost o total landed cost, at ng kabuuan ng excise tax at value-added tax (VAT) sa mga produktong tobacco.

Nagbabala naman si BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. sa pagbebenta ng tobacco products sa mas mababang presyo kumpara sa pinagsama-samang excise tax at VAT na ipinapataw sa ilalim ng batas.

Ang mapapatunayang lumabag dito ay may kaukulang parusa sa ilalim ng pertinent provisions ng National Internal Revenue Code of 1997.

“Any seller offering below these floor prices is not paying their proper taxes. They are illegal traders. Their warehouses and stores will be raided. The BIR will file criminal cases against these illegal tobacco and vape traders,” pahayag ni Lumagui. RNT/JGC

Previous articleMatteo, iwas-pusoy sa isyu kay Mommy Divine!
Next articleDeath penalty sa Customs officers na nakikipagsabwatan sa smugglers, isinusulong!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here