Home OPINION FLU-LIKE MALAGANAP; NAKAMAMATAY RIN

FLU-LIKE MALAGANAP; NAKAMAMATAY RIN

PATULOY ang paglaganap ng influenza o flu like illness o ILI.

‘Yun bang === lagnat at sipon na hindi karaniwan at nakagisnan nating lagnat at sipon.

Ang nakababahala, nakamamatay ang sakit na ILI kung tawagin ng Department of Health.

Ayon sa ulat ng DOH, halos 200,000 ang tinamaan ng ILI noong nakaraang taon.

Dumami ito ng 50 porsyento nitong nakaraang taon kumpara sa nasa 128,400 nitong 2023.

May namatay na 485 noong 2022 ngunit bumaba ang kanilang bilang sa 271 nitong nakaraang taon.

Lumiit man ang bilang, anak ng tokwan, daan-daan pa rin ang namatay.

At alalahanin natin, hindi lahat ng nagkakasakit at namamatay sa ILI ay iniuulat at nalalaman ng mga awtoridad.

Nagaganap ito sa malalayo, liblib o bulubunduking lugar.

ANO NGA BA ANG ILI?

Ang sabi ng DOH ni Secretary Ted Herbosa, tinamaan ka ng ILI kung mayroon kang pagbabahing, lagnat, panginginig ng katawan, panlalamig, ubo na hindi maplema, pananakit ng katawan, pagsusuka, walang panlasa sa pagkain.

Kung meron ka nito, magbantay ka na hindi mahahawa ang iyong mga kabahay..

Sinasabi natin ito dahil lumalabas na kapag may nagkasakit na isa sa loob ng pamilya, nahahawaan na rin ang iba.

At walang pinipili ng ILI na ito — matanda at bata tinatamaan.

TUNAY KA KWENTO

May isang malaking grocery sa Caloocan City na sunod-sunod na nagkasakit ang tatlong empleyado at may sumunod na pang-apat.

Itong pang-apat ang nasusubaybayan natin, mga Bro.

Makaraan ang tatlong araw na ginagamot ang sarili sa paniniwalang kaya ng mga ordinaryong gamot at pamamaraan ang kanyang sakit, ngayon, may ILI na rin ang kanyang misis at dalawang maliliit na anak.

Ang ginawa ng mga kamag-anak, kinuha nila ang isa pang anak na walang sintomas para hindi mahawa.

At alam ba ninyo ang isang epekto ng ILI na ito?

Humihinto sa trabaho o hanapbuhay ang mga nagkakasakit ng kung ilang araw o isang linggo o mahigit pa at kailangan nilang hindi lumabas ng bahay hindi lang para hindi sila makahawa ng iba kundi talagang masasakit ang kanilang katawan na lumabas, bukod sa ubo nang ubo at bahing nang bahing.

Kung wala kang ipon at nabubuhay ka lang sa araw-araw na pagpapagod, aba, gutom ang iyong aabutin, at damay na rin ang iyong pamilya.

Paano rin ang pag-absent ng mga bata sa kanilang pag-aaral ng linggo o 10 araw?

Eh kailangan mo pang magpakita ng health certificate sa iyong kompanya kung babalik ka na sa trabaho. Dagdag gastos din ‘yan sa totoo lang sa gitna ng kawalan mo ng kita sa loob ng isang linggo.

ANO GAGAWIN KAPAG TINAMAAN NA?

Tiyak tayo, hindi sapat ang paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face mask at ala-anti-Covid-19 na mga remedyo, kapag tinamaan ka na.

Mukhang mahina rin ang paracetamol.

Paano ang responde ng mga barangay o municipal health center sa diyaskeng ILI na ito na nakamamatay rin?

Previous articleSCs, PWDs DAPAT EXEMPTED SA BAYAD SA PARKING AT MULTA SA CODING?
Next articleLotto Draw Result as of | January 21, 2024