Home NATIONWIDE Focus crime ngayong ‘ber months’ bumaba sa 18.21% – PNP

Focus crime ngayong ‘ber months’ bumaba sa 18.21% – PNP

MANILA, Philippines – Iniulat ng Philippine National Police (PNP) nitong Biyernes, Disyembre 22 na bumaba ang focus crime mula Setyembre 1 hanggang Disyembre 19 o “ber months” ngayong taon kumpara noong 2022.

“Base sa ating monitoring ng crime statics natin, particularly nung “ber months” po, mula September 1 hanggang December 19 ay bumababa po yung tinatawag nating focus crime,” pahayag ni PNP spokesperosn Police Colonel Jean Fajardo sa panayam ng DZBB.

“Kukumpara sa nakaraang taon na nakapagtala tayo ng 12,554 na krimen, ngayong taon mula September 1 hanggang December 19, nakapagtala lang tayo ng 10,268… So, bumaba tayo ng 2,286 o 18.21 percent,” dagdag ni Fajardo.

Ang focus crimes ay tumutukoy sa “crimes against persons or crimes against property.”

Sa kabila nito, may bahagyang pagtaas sa kaso ng homicide o mga pagpatay.

“Kung titignan natin, etong homicide cases po ay mga personal na alitan na naguwi sa sigalot at pagkakasakitan,” ani Fajardo.

“The rest po, tulad ng theft, robbery, physical injury even carnapping ng motorvehicle, motorcycle ay bumaba po.”

Ang pagbaba sa mga iniuulat na krimen sa nakaraang mga buwan ay dahil sa strategic deployment ng PNP.

Samantala, wala namang namomonitor na seryosong banta ang PNP sa paparating na Pasko at Bagong Taon.

“Nakalatag na po ang ating seguridad para po dito sa ating mahabang holiday season… Walang seryosong banta regarding sa security ng bansa. Pero hindi natin pinagsasawalang bahala ang maliliit na informatin na narerecieve po,” ani Fajardo.

“Yung ating mga pulis na dineploy po sa mga terminal sa mga pantalan at airports po, bineef up na po ang pnp deployment to make sure na nababntayan natin ang mga dapat bantayan,” dagdag niya. RNT/JGC

Previous articleTransport group humirit kay PBBM, deadline sa consolidation i-extend
Next articleDirect flights mula Guangdong pa-Cebu, magpapalakas sa economic cooperation