Home NATIONWIDE FOI Bill iginiit na ipasa na BONG GO: ‘WAG MATAKOT KUNG WALANG...

FOI Bill iginiit na ipasa na BONG GO: ‘WAG MATAKOT KUNG WALANG ITINATAGO’

214
0

MANILA, Philippines – INIHAYAG ni Senador Christopher “Bong” Go na panahon na para maisabatas ang nakabinbing Freedom of Information (FOI) bill para patibayin ng gobyerno ng Pilipinas ang pangako nitong transparency at accountability sa buong burukrasya.

“Alam n’yo, it’s about time na magkaroon tayo ng Freedom of Information law mismo. Mayroon tayo ngayong Executive Order (EO) issued by former president Rodrigo Duterte, pero ang mga sakop nito ay taga-Executive Branch lamang,” ayon kay Go na tumutukoy sa EO No. 2 na inisyu ni Duterte noong 2016 na limitado lamang sa executive branch.

Binigyang-diin ni Go na ang pagpapatupad ng batas ng FOI ay magpapatibay sa transparency sa lahat ng sangay ng gobyerno.

“Kung maisabatas po ito, mai-institutionalize natin ang transparency sa gobyerno. Mag-allocate din tayo ng pondo. Tatlong dekada na pong pending ito sa (lehislatibo),” idinagdag niya.

Binigyang-diin ng senador ang napakahalagang papel ng naturang panukalang batas sa pagsugpo sa korapsyon at mga iregularidad sa mga tungkulin ng gobyerno.

“Kung mayroong transparency, mas maiiwasan natin ang korapsyon at katiwalian sa gobyerno,” anang senador.

“Wala naman tayong dapat ikatakot kung wala tayong itinatago,” idiniin ng mambabatas.
Maraming tumututol sa FOI bill kahit matagal na itong naipanukala dahil sa umano’y mga potensyal na paglabag sa personal na privacy.

Kinikilala ni Go ang pag-aalalang ito at binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng balanse sa pagitan ng transparency sa gobyerno at karapatan sa privacy.

“At I’m sure pinag-aaralan din po ito ng ating gobyerno, ang Executive Department, paano nila ito ipinapatupad dahil binabalanse nga po nila ‘yung right to privacy,” ayon sa senador.

Nauna rito, nagpahayag ng pagsuporta ang Presidential Communications Office sa pagsasabatas ng FOI bill.

Sina Senador Ramon Revilla Jr., Sonny Angara, Grace Poe, at Senate Majority Leader Joel Villanueva ay naghain ng sariling bersyon ng panukalang batas.

Habang ipinagtatanggol ang kanyang paninindigan sa FOI bill, binigyang-diin din ni Go ang kanyang paniniwala sa transparency.

“Para sa akin, kapag nasa gobyerno tayo, dapat po ay mayroong transparency,” aniya. RNT

Previous articleShareholder agreement ng NGCP sa China, labag sa Konstitusyon – Gatchalian
Next articleParatang na plagiarism ‘di totoo, nagpakalat ng fake news paiimbestigahan – PAGCOR

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here