Home NATIONWIDE Folder ng ilang mga pulis na iniimbestigahan, nawawala!

Folder ng ilang mga pulis na iniimbestigahan, nawawala!

MANILA, Philippines – Nais ng Philippine National Police (PNP) na suriin ang mga rekord ng regional units nito matapos iulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na nawawala ang ilang folder nito ng mga pulis na “under investigation.”

“I am encouraging all other regions to review and check under system or in their records kung may similar incidents,” pahayag ni PNP chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa press conference sa Camp Crame nitong Lunes, Enero 15.

“We are assuming mayroon din sa ibang region,” dagdag pa niya.

Ayon kay Acorda, lubhang nakakaalarma ang insidente lalo pa’t ang integrity enhancement, kabilang ang cleansing at pagpapatupad ng nararapat na penalty, ay bahagi ng five focus agenda ng PNP.

“Definitely, alarming iyon because part of our focus agenda is integrity enhancement and kasama diyan ang cleansing natin and imposing the right penalty. If there are things that affect No.3 item natin sa five focus agenda, we will give special attention to that,” aniya.

Nauna nang sinabi ni NCRPO chief Police Major General Melencio Nartatez Jr. na nawawala ang case folders ng ilang pulis na isinasailalim sa imbestigasyon dahil sa administrative.

Ayon kay Nartatez, iniimbestigahan na ng NCRPO ang insidente upang matukoy ang mga taong sangkot dito at posibleng pakikipagsabwatan sa ibang pulis.

“Hindi lang nawawala, nadi-delay or tinutulugan. Imbes na for dismissal siya is maging suspension lang in cahoots and/or connivance with the drafter ng isang resolution and or nag conduct ng summary dismissal proceedings,” saad ng NCRPO chief. RNT/JGC

Previous articleZubiri pabor sa pagrebyu ng economic provisions ng 1987 Constitution sa pangunguna ng Senado
Next articleMega job fair idinaos sa pagdiriwang ng 118th Navotas Day