Home ENTERTAINMENT Follow-up concert ng Sha-Gab, ‘di na tuloy!

Follow-up concert ng Sha-Gab, ‘di na tuloy!

Manila, Philippines- Walang dudang isang malaking tagumpay ang Dear Heart concert ng dating loveteam nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Matatandaang it went on stage in October last year.

So successful na supposedly ay masusundan ito.

Sa katunayan, it would have been titled P. S. I Love You.
Tulad ng Dear Heart, ang dapat sana’y followup concert ay pamagat din ng pinagsamahan nilang blockbuster movie na prodyus din ng Viva Films.

At a recent presscon, kinumpirma ng Megastar ang dahilan kung bakit ito naudlot.

Kasado na nga raw ang lahat.

“Much better” din daw ang inihanda nilang repertoire.

Excited pa naman daw si Sharon sa muli nilang pagtatanghal but plans bogged down: “My team was ready. It wasn’t my fault!”

May pahiwatig si Sharon na wala sa kanyang kampo ang diperensya but with Gabby’s.

Hindi naman eksaktong tinukoy ng singer-actress kung ano ‘yon.

Kung matatandaan pa rin, right after their Dear Heart concert ay putol na ang communication lines sa pagitan nila ni Gabby.

There was also a time na nakiusap ang Megastar na huwag idikit ang kanyang pangalan sa dating asawa as they’ve long been living separate lives.

Umabot na rin kasi sa puntong nadadamay ang sarili nang pamilya ni Sharon.

Pero nilinaw niya na ang pangunahing dahilan ng pagtatanghal na ‘yon ay bilang pasasalamat sa mga kanilang Sha-Gab fans na hanggang ngayon ay sumusuporta sa kanila.

Ikinatuwa nga ng kanilang anak ni KC ang pagsasamang ‘yon ng kanyang mga magulang kahit man lang sa isang pagtatanghal.

Why Sharon only shared her thoughts nito lang ay dahil she was asked at the event.

October pa ‘yon, five months have passed.

Sa tagal na ‘yon, Sharon could have begged off na sagutin ang tanong.

Or better yet, she’s constantly into social media, bakit hindi niya doon idinaan ang rebelasyon niya?

Just asking. Ronnie Carrasco III

Previous articleKelot todas sa duyan
Next articlePaslit napatay sa hataw ng payong