Home NATIONWIDE Food stability sa gitna ng El Niño pinatitiyak ni PBBM  sa DA

Food stability sa gitna ng El Niño pinatitiyak ni PBBM  sa DA

MANILA, Philippines- Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Agriculture (DA) na tiyakin ang katatagan at suplay ng mga pangunahing bilihin sa gitna ng El Niño phenomenon.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni  DA Undersecretary Roger Navarro na nagkaroon ng pagpupulong sina DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. at Pangulong Marcos ukol sa suplay ng mga pangunahing kalakal sa bansa.

Ginarantiya naman ng Pangulo sa ahensya na may sapat na suplay ng mga pangunahing kalakal sa Pilipinas.

Nauna rito, sinabi naman ng state weather bureau PAGASA na bumaba sa 41 mula sa 50 lalawigan ang apektado ng El Niño phenomenon.

Sinabi ng Task Force El Niño na kailangan pa ring maipatupad ang paghahanda dahil sa malakas na El Niño na magpapatuloy hanggang Mayo. Kris Jose

Previous articleKamara tiniyak na tatalima sa direktiba ni PBBM sa economic Cha-cha
Next articleMaute Group mabubuwag na – AFP