Home NATIONWIDE Food stamp program ng DSWD nais buhayin ni Gatchalian

Food stamp program ng DSWD nais buhayin ni Gatchalian

87
0

MANILA, Philippines – Nais ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na buhayin ang food coupon program upang pahupain ang problema sa gutom sa mga mahihirap na Filipino.

Ito ang sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian nitong Huwebes, Pebrero 2 kung saan batay umano sa pag-aaral ng Social Weather Stations (SWS) noong nakaraang buwan, nasa tatlong milyon o 11.8% ng mga Filipino ang nakaranas ng involuntary hunger, o gutom dahil walang pagkain na makakain, sa nakalipas na tatlong buwan.

“It doesn’t seem … we’re denting [hunger]. Meaning, there’s 11% of Filipino families that are hungry. Poverty is intergenerational, you cannot solve that overnight, but a poor family’s immediate need niyan, mapakain mo agad ang kumakalam na sikmura,” sinabi niya sa panayam ng ANC.

“I want to bring it back … the food coupons, or food stamps,” dagdag ni Gatchalian.

Sinabi pa niya na kasalukuyang pinag-uusapan ng mga undersecretary ng ahensya ang posibilidad ng pagbuhay sa food stamp program.

Maaari umano na makipag-ugnayan sa pribadong sektor para maabot ang planong ito.

“I may not be able to pull people out of poverty immediately, but I can solve their immediate need of trying to put food on the table,” sinabi ni Gatchalian.

Pagpapatuloy, bilang bagong talaga sa ahensya, nais niyang simulan ang digitization ng social welfare distribution ng DSWD, na sinimulan na rin umano ni dating DSWD secretary Erwin Tulfo.

“Digitalization is the end-goal, but streamlining should [precede it] ,” aniya.

Sa ngayon ay prayoridad ni Gatchalian na ayusin ang listahan ng mga benepisyaryo ng DSWD. RNT/JGC

Previous articleMAGTODO-BANTAY VS. BUMBERO AT TERORISTA
Next articleWalang magagamit na pole,  Obiena umatras sa Asian indoor