Home NATIONWIDE Food stamp program palalawakin pa ng DSWD sa 2024

Food stamp program palalawakin pa ng DSWD sa 2024

MANILA, Philippines – Palalawakin pa ng pamahalaan ang food stamp program (FSP) sa 300,000 dagdag na food-poor Filipino households pagsapit ng Hulyo 2024, sinabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa Saturday News Forum nitong Sabado, Oktubre 21, ibinahagi ni DSWD Undersecretary Edu Punay na ang pilot run sa initial 3,000 beneficiaries ng “Walang Gutom 2027” ay magtatapos sa Mayo 2024.

Matapos ang pagsusuri sa Hunyo, ikakasa na ng DSWD ang “full roll out” ng programa pagsapit ng Hulyo.

“Come next year, we’ll have the full implementation of the program, which targets one million households nationwide. When we scale up next year, there will be 300,000 household beneficiaries,” ani Punay.

Ang programa ay bibigyan na ng working budget mula sa General Appropriations Act makaraang maglabas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng Executive Order 44, na nagtatatag sa FSP bilang flagship program ng administrasyon.

Planong sakupin ng budget ang nasa 300,000 benepisyaryo sa susunod na taon, o nasa P6 bilyon pondo.

“We’ve already met with the Department of Budget and Management and they committed to provide for the financial budgetary requirement of the program,” sinabi pa ni Punay.

“We’re very happy that this will be implemented next year na talagang may working budget na, thanks to the EO 44,” dagdag pa ng opisyal.

Sa ilalim ng FPS, ang benepisyaryong pamilya ay makatatanggap ng electronic benefit transfer card na may kargang P3,000 halaga ng food credits na magagamit para bumili ng piling listahan ng mga produkto mula sa DSWD-accredited local retailers.

Ang mga Filipino na itinuturing na “food-poor” ay ang mga nasa “lowest income bracket” o buwanang sahod na mas mababa pa sa P8,000.

Sinimulan ng DSWD ang pilot test ng programa sa 100 pamilya sa Tondo, Manila at Dapa, Siargao noong Hulyo.

Inaasahan ang full-scale pilot implementation sa Disyembre.

Pinondohan ng USD3 million (approximately PHP163 million) grant ang pilot implementation mula sa Asian Development Bank. RNT/JGC

Previous articleMga aktibidad sa papalapit na BSKE tinututukan na ng DILG
Next articleDILG sa mga opisyal: Gov’t beneficiary programs ‘wag gamitin sa pangangampanya