Home NATIONWIDE ‘Foolish’ people’s initiative dapat ipatigil ni Marcos kay Romualdez – Koko

‘Foolish’ people’s initiative dapat ipatigil ni Marcos kay Romualdez – Koko

MANILA, Philippines- Dapat nang ipatigil ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pinsan na si House Speaker Martin Romualdez ang pagsusulong ng mapanlinlang na people’s initiative, kung saan itinuturo ang kongresista na nasa likod ng signature campaign kapalit ang P100 upang amyendahan ang 1987 Constitution.

Ganito ang pananaw ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III dahil kailangan nang ipatigil ng Palasyo kay Romualdez ang itinuturing nitong “wrong, incorrect, and immoral” people’s initiative.

“I hope that the President will now step in, exercise the powers and the prerogative of his office, plus the fact that the leader of the House of Representatives is his younger cousin na meron s’yang influence over,” ayon kay Pimentel sa panayam.

“Ang message dapat do’n is stop this foolishness,” dagdag ni Pimentel.

Tinukoy pa ni Pimentel na nagdulot ng pagkakaantala sa tungkulin ng lehislatibo ang kontrobersiya na inilihim sa Kamara na naglalayong tanggalin ang kanilang karapatan at kapangyarihan na bomoto nang hiwalay sa Charter change.

“The people’s initiative, as a third mode of amending the constitution, has been hijacked by the HOR (House of Representatives) which is wrong, incorrect, and immoral because the House of Representatives has the second mode,” ani Pimentel.

Sinabi pa ng senador na maaaring mamagitan ang Palasyo upang mapigil ang “legislative crisis.”

“He should now intervene so that the harmony between the House of Representatives and the Senate will be restored, so that he can pursue his legislative priorities,” paliwanag ni Pimentel.

Binanggit din ni Pimentel na hindi lamang kaanak ni Marcos si Romualdez na pamangkin ng ina nitong si Imelda Romualdez Marcos, kundi kaalyado nito kaya nalalal ang kinatawan mulang Leyte bilang speaker of the house.

Tulad ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, naniniwala si Pimentel na promotor ng people’s initiativessi Romualdez kahit ilang ulit nitong pabulaanan ang paratang.

Naunang pinabulaanan ni Romualdez na siya ang nagpakilos sa ilang kongresista na mangalap ng lagda sa nasasakupan kapalit ng P100 ayuda tulad sa ibinulgar ni Albay Rep. Edcel Lagman.

Sa ilalim ng people’s initiative, tinatanong ang botante kung pabor silang amyendahan ang Article 17 Section 1 ng Konstitusyon at payagan ang lahat ng miyembro ng Kongreso na bumoto nang magkakasama sa halip na magkakahiwalay alinsunod sa itinakda ng Saligang Batas.

Matapos magpalabas ng manipesto, sinabi ni Pimentel na nakatakda itong maghain ng petisyon sa Supreme Court laban sa inisyatiba ni Romualdez sa peoples initiative. Ernie Reyes

Previous articlePinsala ng El Niño higit P700K na
Next articleBabaeng ‘tulak’ laglag sa P3.6M shabu