Home NATIONWIDE Foreign policy itinatakda ng ehekutibo ‘di ng lehislatura— PBBM

Foreign policy itinatakda ng ehekutibo ‘di ng lehislatura— PBBM

SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang foreign policy ay itinatakda ng Ehekutibong sangay ng pamahalaan at hindi ng Lehislatura o Kongreso.

Ang pahayag na ito ng Pangulo ay bilang reaksyon sa naging panawagan ni Senasor Risa Hontiveros sa Department of Foreign Affairs na maghain ng resolusyon na naglalayong hikayatin ang United Nations General Assembly (UNGA) na ipanawagan ang agresyon ng China sa West Philippine Sea.

“Generally speaking, foreign policy is not set by the legislature. Generally speaking, foreign policy is left up to the Executive,” ayon kay Pangulong Marcos sa isinagawang post-state visit briefing sa Kuala Lumpur.

Ayon sa Pangulo, malaya si Hontiveros na maghain ng resolusyon subalit hindi aniya niya ito nakikita kung paano ito mata-translate sa kahit na anumang aksyon.

“So, I mean – of course, the senator is free to file whatever resolution she wants. But I do not know how that will translate to any action that will reach the United Nations General Assembly,” ayon kay Pangulong Marcos.

Tinuran pa ng Chief Executive na ang ini-entertain lamang ng United Nations ay ang gobyerno at hindi ang sangay nito.

“The United Nations entertains governments, not parts of government, not the judiciary of one government or the Executive of one government. They deal with governments,” aniya pa rin.

Ayon sa senadora, mapapalakas ng UNGA resolution ang Arbitral Award na ipinagkaloob sa Pilipinas noong 2016 laban sa China.

Para pa rin kay Hontiveros, ito na ang tamang panahon para gumawa ng aksyon, “considering the snowballing of support for the country’s lawful claims in the West Philippine Sea.” Kris Jose

Previous articleBurdadong tulak laglag sa P400K ‘bato’ sa Bulacan buy-bust
Next articleCOA: 169 AFP pensioners overpaid, 43 underpaid