Home METRO Foreman, backhoe operator nailibing nang buhay sa landslide

Foreman, backhoe operator nailibing nang buhay sa landslide

SUGPON, Ilocos Sur – Nailibing nang buhay ang dalawang katao kabilang ang isang foreman dahil sa nangyaring landslide sa Mt. Matinglin, Brgy. Danac sa Sugpon, Ilocos Sur.

Kinilala ang dalawang nasawi na sina Rocardo Bayeng, 59-anyos, isang sub-contractor at foreman na taga Ambongdolan, Tublay, Benguet at Joseph Ramirez, 23-anyos, backhoe operator at residente ng Brgy. Cabaroan, San Emilio, Ilocos Sur.

Natabunan ng biglang gumuhong lupa ang dalawang biktima sa kanilang pinagtatrabahuan.

Agad na rumesponde sa lugar ang mga kasapi ng pulisya katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office at pinagtulungang makuha ang natabunang katawan ng dalawang biktima.

Iniimbestigan na ng mga otoridad ang malagim na trahedya sa pagguho ng lupa na ikinasawi ng dalawang katao. Rey Velasco

Previous article2 NPA patay sa engkwentro
Next articlePaborableng sarbey sa PH-US alliance ikinatuwa ni Año