Home METRO Foreman patay sa pagsabog ng acetylene tank

Foreman patay sa pagsabog ng acetylene tank

MANILA, Philippines – PATAY ang isang foreman ng isang construction company nang sumabog ang acetylene tank na kanyang ginagamit habang nag-wiwelding sa Quiapo, Manila Miyerkules ng umaga, Pebrero 21.

Naitakbo pa sa Jose Reyes Memorial Hospital ang biktima na si Emilio Esplago alyas ‘Bong,’ Foreman ng Alleway Construction dahil sa malalang sugat sa katawan.

Sa ulat, ni Police Staff Sergeant Jeus Cris S Jacalne ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong alas-10:40 ng umaga nang naganap ang insidente sa Estero De Quiapo na matatagpuan sa Arlegui St., Brgy 385, Quiapo, Manila kung saan nag wewelding ang biktima ng sumabog ang acetylene tank na kanyang ginagamit.

Dahil sa naganap na pagsabog, nasira din ang ilang ari-arian at kagamitan na inaalam pa kung magkano ang halaga ng pinsala. Jocelyn Tabancgura-Domenden

Previous articleSolons kay Sen. Imee: ‘Wag lang Marites, mga alegasyon patunayan
Next articlePrayer rally at protest action, ilulunsad vs Cha-cha