Home METRO Fortun sa PNP: Ex-cop sa viral road rage incident, dagdagan pa ng...

Fortun sa PNP: Ex-cop sa viral road rage incident, dagdagan pa ng kaso!

301
0

MANILA, Philippines – Hinimok ng abogadong si Raymond Fortun nitong Biyernes, Setyembre 8 ang Philippine National Police (PNP) na magsampa ng mas marami pang reklamo laban kay Wilfredo Gonzales, isang dating pulis na sangkot sa viral video na nanakit at nanutok ng baril sa isang siklista sa Quezon City noong nakaraang buwan.

Naniniwala umano si Fortun na hindi sapat ang reklamong alarm and scandal na inihain ng Quezon City police laban kay Gonzales lalo pa’t mas magaan lamang ang parusa para rito.

“Kung titingnan natin ang ating CCTV footage meron pa pong ibang mga krimen na sa pananaw ko po ay nakamit,” pagbabahagi ni Fortun sa panayam sa TeleRadyo Serbisyo.

“Unang-una, ‘yung frustrated homicide tapos slander by deed, ‘yung pananampal, pambabatok, and then ‘yung grave threats. Obvious naman na naglabas siya ng baril at kinasa pa ito,” dagdag niya.

Isang opisyal ng barangay ngayong linggo lamang ang nagsiwalat na nahaharap din si Gonzales sa kabi-kabilang reklamo ng karahasan, pagbabanta at pambubulas. RNT/JGC

Previous articleUtang ng Pinas, P14.24T na!
Next articleLTO sa lifetime driving ban vs Wilfredo Gonzales, ‘wala namang namatay’

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here