Home NATIONWIDE ‘Franchise consolidation scam’ pinatatalupan sa Kamara

‘Franchise consolidation scam’ pinatatalupan sa Kamara

MANILA, Philippines- Itinutulak ng isang party-list lawmaker ang imbestigahan ang tinwaga niyang scam kung saan pinupwersa ang public utility vehicle (PUV) drivers at operators “to surrender their franchise and consolidate” sa ilalim ng modernization program.

Binanggit ni Kabataan Rep. Raoul Manuel bilang basehan ang pahayag ni Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) spokesperson Mody Floranda noong Dec. 23 na naloko ang ilang miyembro ng grupo sa pamamagitan ng mga form na umano’y kumalat at kailangang sagutan upang payagang makabiyahe ang mga jeep sa 2024.

“Kitang-kita dito na sapilitan ang pagtulak ng franchise consolidation. Hindi dapat niloloko ang mamamayan para lang magpatupad ng patakaran. Gawaing sindikato ito. Meron kayang nakukuha ang mga ahente ng mapanakot na scam na to? Dapat imbestigahan ang insidente na ito,” giit ni Manuel sa House Committee on Transportation hearing nitong Miyerkules.

Hindi na nagbigay ng karagdagang detalye si Manuel ukol sa umano’y scam.

Hindi pa naglalabas ng komento ang transport officials ukol dito.

Tinutulan ng ilang transport groups ang PUV modernization program sa takot na i-phase out ang papalyang traditional jeepneys sa roadworthiness test ng Department of Transportation at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Nagsagawa ng serye ng kilos-protesta ang transport group PISTON at MANIBELA noong Nobyembre at Disyembre upang ihayag ang pagkontra saeDc. 31 deadline para sa franchise consolidation. Kalaunan ay inilipat ito sa Jan 31. RNT/SA

Previous articlePuganteng South Korean national timbog sa BI
Next articleSenior citizen sasali sa Miss Universe PH-QC