Home ENTERTAINMENT Francine at Andrea, nag-iiwasan?

Francine at Andrea, nag-iiwasan?

Manila, Philippines – Inuurot ng mga katikatera at sawsawersa sina Francine Diaz at Andrea Brillantes na diumanoý nag-iiwasan kaya hindi sila napapanood na magkasama sa noontime show na “It’s Your Lucky Day” na tinitimon nina Luis Manzano, Robi Domingo at Melai Cantiveros.

Sa isa kasing panayam, natanong si Francine kung bakit hindi pa nagaganap ang inaasahang faceoff nila ni Andrea at reunion nila ng grupong Gold Squad.

Sagot naman ng Kapamilya actress, hindi raw kasi nagtutugma ang schedules nilang apat.

Ang Gold Squad na nabuo sa hit-seryeng “Kadenang Ginto” ay kinabibilangan nina Andrea, Seth Fedelin, Francine at Kyle Echarri.

Dito rin ipinanganak ang original loveteams na SethDrea nina Seth at Andrea at KyCine nina Kyle at Francine.

Nagkaroon din ng sort of rigodon ang kanilang mga tandem nang magkahiwalay ang mag-ex na sina Seth at Andrea at i-partner sila sa ibang loveteam.

Sa ngayon, si Francine ang bagong love team ni Seth samantalang sina Kyle at Andrea ang magkasama sa isang serye.

Nag-throwback din ang mga katikatera at sawsawera sa naging pahayag noon ni Andrea sa isang vlog na may nakatrabaho umano siyang hindi niya feel na ipinalalagay ng mga tsismosa na tumutumbok kay Francine.

Dagdag pa rito, binibigyan din ng kulay ng mga nagmamahadera ang senaryo na magiging awkward moment nga naman kung magsama sa isang entablado sina Francine, Andrea at ang lalakeng namamagitan sa kanila na si Seth.

Pag-uungkat pa ng mga katikatera, wala rin daw namang naging closure noon tungkol sa isyu ng diumanoý panunugod ni Andrea kay Francine kahit nagsalita na ang una.

Sey pa ng mga nagmamaldita, kung sakali mang magkakaengkuwentro ang apat, ano raw kayang bonding moments ang babalikan nila lalo pa’t matagal nang nabuwag ang “Gold Squad.”

Hirit pa ng kafaneyan, may dapat daw bang ipangamba sa muling pagtutuos ng dalawang itinuturing na contemporary arch rivals sa showbiz? Archie Liao

Previous articleDagdag-fire station sa Navotas
Next articleCoco sinaniban!