
MUKHANG inaalat si Department of TourismĀ Secretary Christina Garcia-Frasco dahil sa sunod-sunod na kontrobersiyang tumatama sa pinamumuuan niyang ahensiya ng pamahalaan na hindi maikakailang nakakaapekto sa kanyang personal na pamumuno.
Pinuna ni Albay 2nd District Representative Joey Salceda ang hindi pagkakabilang ng Mayon Volcano sa mga larawang itinataguyod ng ahensiya gayung isa ang naturang lugar na talagang dinadayo ng mga banyaga at maging lokal na turista.
Maging ang pagpapalit ng slogan ay umani ng batikos. Noong 2012, sumikat ang slogang āIts more fun in the Philippinesā na pinalitan ng āLove the Philippinesā na itinaguyod ng isang malaking advertising agency at may kontratang P49 milyon sa ahensiya ni Frasco.
Malaki ang halaga ng kontrata subalit marami ang nagtataka dahil tila kinopya ang video clip at ang mga lugar na ipinakita ay hindi naman sa Pilipinas.
Inamin ng DDB Philippines, ang advertising agency, ang kanilang pagkakamali at handa itong makipagtulungan sa DOT para sa imbestigasyon lamang, misnong DOT na ang kumalas bilang pagbabangong puri dahil naman sa marami ang nanawagan para sa pagbibitiw sa pwesto ni Frasco sa ngalan ng delikadeza.
Sakaling magbitiw bilang kalihim, hindi na rin naman makababalik bilang alkalde ng Liloan, Cebu itong si Frasco dahil maging ang kanyang asawang si MayorĀ Aljew Frasco, na dating representative, ay nahaharap din sa kontrobersya sa Commission on Audit dahil umano sa pagbili ng lechon na umabot sa P1.357 milyon.
Bagaman bantog sa handaan sa Cebu ang lechon, sinabi ng COA na āunnecessary and irregularā na paggastos ang ginawa ng alkalde ng Liloan dahil nga sa ipinamahagi sa
religious activities, team building, graduation exercises, founding anniversaries ng mga pribadong grupo, at maging mga pagtitipon ng pribadong grupo.
Iginiit ng COA na apektado ang serbisyo at proyekto para sa mamamayan dahil sa halip na dito gugulin ang milyong halaga, napunta lang sa pagbili ng lechon para ipamigay sa mga humihirit.
Itinanggi ng asawa ni Frasco na sila ang bumili ng lechon dahil cash donation umano ang kanilang ipinamahagi sa ibaāt ibang okasyon subalit nabuking ng COA na kasinungalingan ang depensa ng alkalde sapagkat nasa disbursement voucher at iba pang dokumento na ang Bids and Awards CommitteeĀ ng naturang bayan ang bumili ng lechon.
Sabi tuloy ng netizens, kapag natanggal sa DOT si Frasco,Ā bumalik na lang ito sa Liloan upang kumain at namnamin ang sarap at linamnam ng lechon Cebu.
Maaring magpadala ng inyong puna at reklamo sa aking email address naĀ [email protected]Ā o pwede rin magpadala ng mensahe sa 0995-1048357.