Home NATIONWIDE Free trade talks sa pagitan ng EU at Pinas muling inilunsad

Free trade talks sa pagitan ng EU at Pinas muling inilunsad

MANILA, Philippines – KAPUWA inanunsyo ng European Union (EU) at Pilipinas ang pagpapatuloy ng negosasyon para sa free trade agreement.

“The conditions are right to take our trade relations to the next level,” EU trade commissioner Valdis Dombrovskis sa isang press conference sa Brussels.

Nagsimula ang pag-uusap noong 2015 sa ilalim ng namayapang at dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III subalit natigil dalawang taon sa ilalim naman ng kanyang successor na si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Inihayag ng dalawang bansa ang kanilang intensyon na muling buksan ang negosasyon sa naging pagbisita sa Maynila ni EU chief Ursula von der Leyen noong nakaraang taon.

Ang Southeast Asian nation, labis na nakadepende sa kalakalan sa China, nagpahayag na nais nito na palawakin ang economic relations nito sa ibang bansa para makamit ang “greater resiliency”.

Ang EU ang fourth-largest trading partner ng Pilipinas at isa sa biggest investors sa bansa.

“The future of EU-Philippines economic relations hold immense promise,” ayon kay Philippines trade minister Alfredo Pascual.

Hangad naman ng EU na palakasin ang trade ties sa buong mundo kasama ang mga bansa na maaaring makatulong na pagiba-ibahin ang mga mahahalagang raw materials na kakailanganin sa transisyon sa green technology. Kris Jose

Previous articleMaritime Zones Bill, Lusot sa Bicam Review
Next articlePag-atake sa pinakamalaking ospital sa Gaza ikinaalarma ng WHO