MANILA, Philippines – Magpapatuloy na uulanin ang ilang bahagi ng bansa dahil sa frontal system at southwesterly flows, ayon sa PAGASA.
Sa 24-hour public forecast ng ahensya, sinabi nito na ang frontal system ay makaaapekto sa Northern Luzon na magdudulot ng maulap na kalangitan at pag-ulan sa Batanes at Babuyan Islands.
Samantala, makakaapekto naman ang southwesterly wind flow sa Northern at Central Luzon na magdadala ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan maging thunderstorm sa Metro Manila, Zambales, Bataan, at Cavite.
Ang nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas din ng maulap na kalangitan na may isolated rain showers at thunderstorm dahil sa southwesterly wind flow at localized thunderstorms.
Nagbabala ang PAGASA sa mga pagbaha at pagguho ng lupa sa malalakas na pag-ulan. RNT/JGC