MANILA, Philippines – Aarangkada na ang buong rollout ng single ticketing system sa National Capital Region (NCR) sa Setyembre, ayon sa anunsyo ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairperson Romando Artes matapos na maideliver na ang mga handheld ticketing device na gagamitin para sa iskema.
Sinabi ni Artes na ang ilang linggong pagkaantala sa paghahatid ng ilang handheld ticketing device ay hindi nakaapekto sa pagpapatupad ng programa dahil ang mga pilot operation nito ay sumasailalim pa sa ilang customization.
Ginawa niya ang pahayag matapos ang turnover ng 150 handheld ticketing device units sa Valenzuela, San Juan, Caloocan, Parañaque, at Muntilupa. Nakatanggap ang bawat lungsod ng 30 yunit.
Ani Artes na dadagdagan pa ang mga nasabing yunit.
Layunin ng single ticketing system na magtatag ng pare-parehong patakaran sa mga paglabag sa trapiko at sistema ng parusa sa Metro Manila.
Masasakop nito ang Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela, Quezon City, Marikina, Pasig, Taguig, Makati, Manila, Mandaluyong, San Juan, Pasay, Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, at Pateros.
Ang 20 traffic violations na pare-parehong ipapataw sa NCR ay ang mga sumusunod:
-Disregarding traffic signs
-Illegal parking (attended and unattended)
-Number coding UVVRP
-Truck ban
-Light truck ban
-Reckless Driving
-Unregistered motor vehicle
-Driving without license
-Tricycle ban
-Obstruction
-Dress code for motorcycle
-Overloading
-Defective motorcycle accessories
-Unauthorized modification
-Arrogance/Discourteous conduct (driver)
-Loading and Unloading in Prohibited Zones
-Illegal counterflow
-Overspeeding
Ayon sa MMDA, mula P500 hanggang P5,000 ang multa sa 20 paglabag na ito.
Ipapatupad din ang mga sumusunod na espesyal na batas:
-Seat Belts Use Act of 1999
-Batas sa Kaligtasan ng Bata sa Mga Sasakyang Motorsiklo
-Mandatoryang Paggamit ng Motorcycle Helmet Act
-Batas sa Kaligtasan ng mga Bata sa Motorsiklo
-Anti-Distracted Driving Act
-Anti-Drunk and Drugged Driving Act
Sa ngayon, tanging Muntinlupa, San Juan, Parañaque, Caloocan, Valenzuela at Quezon City ang mga LGU ng NCR na nagsimula nang magpatupad ng single ticketing system. RNT