Full version ng “Bawal Lumabas” track ni Kim Chiu, inilabas na

Full version ng “Bawal Lumabas” track ni Kim Chiu, inilabas na

May 19, 2020 @ 8:39 AM 1 week ago

  • 6
  •  
  •  
    6
    Shares
Share

Manila, Philippines – Ginawang positibo ng aktres na si Kim Chiu ang mga kritisismong natatanggap makaraang ihayag niya ang sentimiyento kaugnay ng ABS-CBN shutdown.

Maaalalang umugong sa social media ang “Bawal Lumabas” memes at parodies sa lahat ng social media.

Ayon kay Kim Chiu, naging aral sa kanya ang karanasan na yakapin kung sino siya at mas maging totoo pa sa kanyang sarili.

Aminado naman ang aktres na na-down siya at naging mabigat ang kanyang pinagdadaanan.

Naglaylo rin aniya siya sa mga social media at kahit pa sa kanyang cellphone.

“At ako din, honestly natawa na lang din ako. Sabi ko talaga, ‘Shucks! ‘Di ko naintindihan pala yung sinabi ko no? Kaya hindi ako binoto ng mga kaklase ko nung kapag ako yung pinagdi-debate nila.’ But oh well, past is past. It’s done and now nandito na tayo ngayon into another chapter and I want to make negative things into positive kasi ang dami na ring malungkot na tao ngayon so dahil sa ‘Bawal Lumabas’ natawa sila,” pahayag pa nito sa kanyang vlog.

Sa tulong ng panulat ni Adrian Crisanto at beat ni Dj Squammy, nabuo ang naturang viral track. RNT/FGDC

Share

Leave a Reply

Loading...