Home OPINION G7 BACK UP NI PBBM

G7 BACK UP NI PBBM

NAGHAYAG ng suporta kay Pangulong “Bongbong” Marcos ang pitong lider ng mga bansa na kasapi sa Group of 7 o tinatawag na ‘G7’, nang manawagan ang ating lider sa pagpupulong nila sa Japan na lahat sana ng bansa ay sundin ang mga isinasaad ng ‘international laws’ upang masiguro ang kapayapaan at katatagan ng Indo-Pacific region.
Ang meeting na ‘yun ng G7 para sa taong 2023 at ang Quadrilateral Security Dialogue Summit ay nagtapos sa isang resolusyon na pumapabor sa Pilipinas hinggil sa mga isyung kinabibilangan nito.
Ito ay kinumpirma ni Japanese Ambassador to the Philippines na si Koshikawa Kazuhiko kung saan nagsabi ito na ang iba pang kasapi ng G7 ay nais maresolba ang pangdaigdigang hamon sa pag-aagawan ng teritoryo sa karagatan ng West Philippine Sea at South China Sea.
Kailangang manatili raw ang payapa o maayos na paglalayag sa mga karagatang ito, kasama maging ang paglalakbay sa himpapawid ng Indo-Pacific region sa tulong ng mga bansang kasapi rin sa Association of Southeast Asian Nations kabilang na ang Pilipinas.
Lagi namang iginigiit ni Pangulong Marcos ang isyung ito sa anomang pagpupulong na kanyang dinadaluhan at ang dapat nga raw ay ibase ang usapin sa United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS upang mapigilang pagmulan ito ng kaguluhan.
Ito’y galing kay Kazuhiko na nagsabing ang pitong lider daw ng G7 ay naniniwala na walang basehan ang pinaggagawa ng mga Tsekwa na magtayo at palawigin ang teritoryo nito sa mga karagatang nabanggit. Hindi raw tama na pinalalakas nito ang kanilang militar at inilalagak sa mga artipisyal na mga islang ginawa na nila doon.
Ano-ano bang bansa ang kabilang sa G7? Bukod sa USA, ang G7 ay binubuo ng mga bansang Canada, France, Germany, Italy, Japan, at United Kingdom, pati na ang European Union na parang “salimpusa” lamang.
Kung ang mga bansang ‘yan ang back-up ni PBBM, eh, parang nasa likod natin ang “Marvel Heroes” na binubuo ng mga super hero ng komiks. Ngunit ‘di tayo naglilibang lamang sa usaping ito. Ang akin lamang ay makita na sana ng mga Tsekwa kung sino ang back-up ni PBBM na hayagang nagsasabi na mali na ang ginagawa nila.
Eh, tama naman talaga tayo! Lalo na ang ating Pangulo na wala tayong ipinagmamalaki kundi ang ating karapatan sa mga teritoryong atin naman talaga, batay sa UNCLOS. Ang West Philippine Sea ay talaga namang pinanghihimasukan na ng China.
Kaya kung papakinggan lamang ng mga Tsekwa itong si Kazuhiko matatauhan at magugulat kapag nabatid na ang G7 ay nasa likod natin.
Pero may katangian ang mga Tsekwa na wala tayo. Ang mag-tanga-tangahan ‘pag nacorner ito o’ napatunayang nagkamali sila.

Assalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh!

 

Previous article‘Critical partnership’ sa Fil-Chinese groups, panatilihin – PBBM
Next articleILIGAL NA DROGA LUSOT SA MGA KULUNGAN?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here