Home SPORTS GAB Chair Clarin, SPMC pakners para sa pro athletes

GAB Chair Clarin, SPMC pakners para sa pro athletes

213
0

Pinangunahan nina GAB Chairman Atty. Richard S. Clarin at SPMC Medical Chief Dr. Ricardo B. Audan ang MOU signing. Kasama sa inisyatiba ng dalawang grupo ang nais ng GAB na i-accredit ng Department of Health (DOH) para mag-operate ang isang Nissan ambulance na nakaantabay anumang oras sa mga madidisgrasyang propesyunal na atleta.

Sa naturang MOU, ang SPMC ay magpo-provide ng medical treatment sa mga injured athlete at ibang indibidwal na may kinalaman sa professional sports na dadalhin sa kanila ng naturang ambulansiya.

Nagpasalamat naman si Clarin sa suporta ng SPMC sa Filipino professional boxers at fighters sa pagkakaloob ng libreng medical services.

Kabilang din sa mga dumalo sa MOU signing sina Dr. Ricardo B. Audan (Medical Center Chief II), Atty. Danilo C. Cullo (Legal Officer), Atty. Leslie R. Lucas (Legal Office Staff), Roselio Soco (Administrator, Health Services and Specialty Clinic), Roy Japson (Administrative Staff) at KC Nardo (Administrative Staff) sa panig ng SPMC.

Sa grupo ng GAB, kasama ni Clarin sina Dr. Jesucito Garcia (Chief, Professional Sports and Games Division), Jackie Ornido (Chief, Boxing & Other Contact Sports Division), Arnulfo Sazon (OIC Davao Regional Office), John Kenneth Improso (Davao staff), Cecilia Bravo (Davao staff) at Lonel Ontanillas (Davao staff).RCN

Previous article12 waging senador sa 2025 polls inilabas
Next articleBI: Biyahero sa ’10 birth certificate’ issue nakitaan ng ‘multiple red flags’

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here