Home SPORTS GAB patuloy ang suporta sa PH sports

GAB patuloy ang suporta sa PH sports

TIYAK ang mas pinaigting na suporta ng Games and Amusements Board (GAB) sa professional sports at sa mga stakeholders nito ngayong taong 2024.

Sa kanyang New Year’s message kamakailan, inulit ni GAB Chairman Atty. Richard Clarin ang kanyang dedikasyon sa paglago ng professional sports sa bansa bilang pangunahing layunin sa kanyang ‘3XPRO’ advocacy na promote, professionalize at protect ang Philippine sports.

Kahit walang world champion ang boxing galing sa Pilipinas sa kasalukuyan ay patuloy na nagbibigay ng suporta ang GAB sa mga boksingero lalo na sa mga kinakailangan nitong suporta mula sa government pro sports arm.

Nagbibigay rin ang GAB ng suporta sa iba’t ibang professional sports gaya ng basketball, volleyball, football, e-sports at iba pa.

“Mahal kong mga kababayan, manigong bagong taon sa inyong lahat. Bilang chairman ng inyong Games and Amusements Board, ako’y nagpapasalamat sa inyong suporta at tiwala. Patuloy tayong magtulungan para sa tagumpay at ikauunlad ng professional sports sa ating bayan. Maging inspirasyon tayo sa isa’t isa at sama-sama nating tahakin ang bagong taon na puno ng pag-asa, pangarap at masaganang kinabukasan. Mabuhay tayong lahat. Muli isang masaganang bagong taon sa ating lahat,” wika ni Chairman Clarin.JC

Previous articlePlebisito sa BARMM na lilikha sa 8 bayan kasado sa Abril 13
Next articleQuinn, bet maging kontrabida!