Home ENTERTAINMENT Gabbi, nag-ilusyong kandidata sa MUP!

Gabbi, nag-ilusyong kandidata sa MUP!

Manila, Philippines – Dream about to become a reality.

Ito ang angkop na paglalarawan sa video na ipinost ni Gabbi Garcia sa kanyang Instagram Reel.

Isang funny video ‘yon na mismong ang Kapuso actress anv nag-edit.

makikitang kunwari’y isa siya sa mga kandidata ng Miss Universe Philippines.

Isang bahagi sa video shows Gabbi in an elegant emerald green gown.

May isa ring kuha na naka-pulang dress siya.

Still another shot has Gabbi wearing an off-white gown.

Isiningit pa ang panonood kunwari ng isang grupo ng mga gay pageant fans as they await the announcement of the Top 15.

Kunwari rin na isa si Gabby sa 15 semi-finalists, na ikinagalak nito with matching emote.

Later in the video ay nakaputong na ang korona sa ulo ni Gabby.

Pero maliwanag na nakasaad sa graphics at the end of the video na: “Charot! Next time ‘yan. Host lang ako!”

Isa nga sa mga nagsilbing hosts si Gabbi sa coronation night ng MUP nitong May 23, Huwebes kung saan sa pangalawang pagkakataon ay host si Alden Richards.

Mukhang tototohanin nga ni Gabbi ang pagsali sa MUP next year.

Ang tanong: tulad din ng kanyang self-edited video, magkaroon kaya ng katuparan ang kanyang pangarap? Ronnie Carrasco III