Home ENTERTAINMENT Gabby, na-bash sa concert with Ai Ai!

Gabby, na-bash sa concert with Ai Ai!

Manila, Philippines- Everything seems to be falling into place for Gabby Concepcion.

Kung matutuloy kasi ang pamamaalam ng afternoon series niyang Stolen Life sa March 1, hindi magkakaroon ng lull sa kanyang career.

After the series kasi comes doing a concert.

Ito ang The Kings & Ai slated on March 8 at the Newport Performing Arts Theatre.

Mapapansing ang Ai sa pamagat refers to Ai Ai de las Alas who’ll be flanked by kings, one of whom ay si Gabby; the other being Christopher de Leon.

Kaso, iniintriga na ang billing sa concert as Gabby’s name comes ahead of Boyet’s.

Hirit naman ng mga tagapagtanggol ni Gabby, imposibleng hindi na-discuss sa series of production meetings ang billing.

The mere fact na makikitang mas una si Gabby kesa kay Boyet, ibig sabihi’y the poster was done with their approval.

Isa pang ipinupunto against Gabby ay ang pagpiling makasama si Ai Ai sa halip na si Sharon Cuneta.

In Sharon’s absence at the Newport ay sino raw ang aalalay kay Gabby sa entablado?

Tila pagmemenos ‘yon ng kakayahan ni Gabby who cannot perform without Sharon’s help, bagay na unfair sa aktor.

Exciting abangan si Gabby to prove his bashers wrong. Ronnie Carrasco III

Previous article8 drug den sa Central Visayas, binuwag ng PDEA
Next articleDom at Chard, gumimik!