Galvez: COVID-19 testing capacity sa bansa umaabot sa 11K kada araw

Galvez: COVID-19 testing capacity sa bansa umaabot sa 11K kada araw

May 22, 2020 @ 6:02 PM 6 days ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Umaabot sa 11,500 kada araw ang testing capacity ng bansa – mas mababa pa rin sa 30,000 test na target ng pamahalaan sa pagtatapos ng buwan, ayon sa chief implementer ng COVID-19 response ng Pilipinas nitong Biyernes, Mayo 22.

“Tuloy-tuloy po ang pag-angkat natin ng mga makinarya, mga automated machines para tumaas po ang ating capacity,” paliwanag ni chief implementer Carlito Galvez Jr. sa Laging Handa briefing.

Aniya, may ilang difficulty sa suplay ngunit sinusubukan ng pamahalaan na ayusin ang supply chain nito nang sa gayon ay umabot sa 30 araw ang stockpile nito para sa 50 testing centers at para sa 30,000 tests kada araw.

Sinabi ni Galvez na mayroon nang 39 na ospital na accredited na magsagawa ng COVID-19 testing. Kinilala rin niya ang mga donasyon ng PCR machines mula sa pribadong sektor.

Giit nito, nagsasagawa ng “expanded” o “targeted” testing ang pamahalaan, kung saan dapat suriin ang symptomatic patients, mga nasa mahihinang populasyon, frontliners, at probable at suspected cases.

Noong nakaraang buwan, sinabi ni Galvez na target ng Pilipinas na makapagsagawa ng 15,000 test sa Mayo 15 at 30,000 sa Mayo 30.

Nitong linggo, sinabi naman ni deputy chief implementer Vince Dizon na 50,000 test ang target ng gobyerno sa Hunyo.

Higit 207,000 indibidwal na ang nasuri para sa COVID-19 hanggang Mayo 15, ayon sa online tracker ng Department of Health.

Nakapagtala na ng 13,597 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, kung saan 3,092 sa mga ito ang nakarekober habang 857 ang nasawi. Umaabot naman sa 9,648 ang active cases sa bansa. RNT/MM

Share

Leave a Reply

Loading...