Home NATIONWIDE Galvez nagpasalamat kay PBBM sa pagkakataong mamuno sa DND

Galvez nagpasalamat kay PBBM sa pagkakataong mamuno sa DND

MANILA, Philippines – Pinasalamatan ni outgoing Department of National Defense (DND) officer-in-charge Senior Undersecretary Carlito Galvez Jr. si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Martes, Hunyo 6 sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataon na pamunuan ang ahensya kahit na ilang buwan lamang.

Ito ay kasunod ng pagkakatalaga kay Gilberto “Gibo” Teodoro Jr. bilang bagong Defense Secretary, nitong Lunes.

“I would like to express my deepest gratitude to the President and Commander-in-Chief, His Excellency Ferdinand R. Marcos, Jr., for entrusting me to lead the Department over the last few months. I also thank the entire One Defense Team, including the Armed Forces of the Philippines (AFP) and our civilian bureaus, for their support during my tenure as the officer-in-charge of the Department,” ani Galvez.

Matatandaan na itinalagang officer-in-charge ng DND si Galvez noong Enero 9 kasunod ng pagbibitiw sa pwesto ni retired AFP chief Gen. Jose Faustino Jr.

Si Galvez ay miyembro ng Philippine Military Academy Class of 1985 at naglingkod bilang ika-50 AFP chief, mula Abril 18 hanggang Disyembre 11, 2018.

“The DND welcomes the appointment of Atty. Gilberto C. Teodoro, Jr. as the new Secretary of National Defense,” sinabi pa ni Galvez.

Si Teodoro naman ay nagsilbi bilang DND chief mula Agosto 2007 hanggang Nobyembre 2009 sa administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at dati ring mambabatas ng Tarlac.

Siya rin ay naglingkod bilang chairperson ng National Disaster Coordinating Council.

“We have achieved great strides in our priority programs on internal security, territorial defense, disaster preparedness, and the continued development of the defense organization. Rest assured that the DND has my unequivocal support as we all work together in the pursuit of our vision of a peaceful, stable, and prosperous Philippines,” pagtatapos niya. RNT/JGC

Previous articleKris, pinag-shopping si Joshua!
Next articlePaglipad malapit sa Kanlaon, ipinagbawal na rin!