Home SPORTS Game 3 ng EC Finals: Celtics ‘itlog’ pa rin sa Heat

Game 3 ng EC Finals: Celtics ‘itlog’ pa rin sa Heat

359
0

MANILA, Philippines – Umiskor si Gabe Vincent ng 29 puntos para tulungan ang host Miami Heat na makaabante o isang panalo na lamang para sa kanilang ikalawang NBA Finals appearance sa nakaraang apat na season, laban sa “nangingitlog” na Boston Celtics, 128-102.

Si Vincent ay nagbuslo ng 11 sa 14 shot — kabilang ang 6 sa 9 mula sa 3-point range.
Sina Duncan Robinson at Caleb Martin ay umiskor ng 22 at 18 puntos mula sa bench, ayon sa pagkakabanggit.

Kumolekta si Jimmy Butler ng 16 puntos, walong rebounds at anim na assist para sa eighth-seeded Miami, na tumikada ng 56.8 percent mula sa field (46 of 81) at 54.3 percent mula sa 3-point range (19 of 35).
Umangat ang Heat sa 6-0 sa kanilang tahanan sa playoffs bago ang Game 4 ng best-of-seven series noong Martes sa Miami.

Nagkarga naman si Bam Adebayo ng 13 puntos at nagdagdag ng 10 si Max Strus nang maagaw ng Heat ang kontrol sa laro sa pamamagitan ng pag-outscore sa second-seeded na Celtics sa 32-17 margin sa third quarter.

Si Jayson Tatum ang nanguna sa Boston sa kanyang 14 puntos at 10 rebounds at umiskor si Jaylen Brown ng 12 puntos.

Bagama’t nagsanib, gumawa lamang ang dalawa ng 12 sa 35 shot mula sa floor at 1 sa 14 mula sa 3-point range.

Advertisement

Ngayo’y nanganganib nang masibak ang Celtics dahil wala pang koponan sa kasaysayan ng NBA ang nakabangon sa 3-0 deficit para manalo sa isang serye.

Ibinaba ng Boston ang 22-point deficit sa 12 sa 61-49 matapos i-convert ni Marcus Smart ang three-point play para simulan ang third quarter.

Ngunit sumagot ang Miami ng 28-9 run upang kunin ang kontrol sa laro, tampok ang pares na 3-pointers ni Vincent.

Nadala ng Heat ang 93-63 abante sa fourth quarter bago nagpasya ang dalawang koponan na ipahinga ang kanilang mga star player.

Kumana si Vincent ng 3-pointers at nag-convert si Robinson mula sa labas ng arko upang palawigin ang bentahe ng Miami sa 112-83, may 4:43 na laro.

Inangkin ng Miami ang 61-46 kalamangan sa halftime matapos magswak ng mainit na 57.5 percent mula sa floor (23 of 40) at 45 percent mula sa 3-point range (9 of 20).

Si Martin ay nagpalubog ng isang tres upang i-highlight ang kanyang 11-point performance, habang sina Robinson at Vincent ay gumawa ng tig-tres mula sa arc upang tapusin ang third canto na may tig-10 puntos.

Umiskor si Kevin Love ng Miami ng 5 mabilisang puntos bago lumabas matapos ang 5 minuto dahil sa injured sa bukung-bukong. RNT

Previous articleOperasyon ng Manila Central Post Office ililipat muna
Next article48 aktibo at potensyal na private armed groups sa BSKE, tinututukan ng PNP

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here