Home NATIONWIDE ‘Gang 4 pang bagyo babayo sa Pinas ngayong 2023 – PAGASA

‘Gang 4 pang bagyo babayo sa Pinas ngayong 2023 – PAGASA

MANILA, Philippines – Tinatayang dalawa hanggang apat na tropical cyclones ang inaasahang bubuo sa o papasok sa Philippine Area of ​​Responsibility (PAR) bago matapos ang taon, sinabi ng state weather bureau PAGASA.

“By the end of December, mga around two to four pa iyong inaasahan natin na posibleng papasok o made-develop inside the PAR,” ani PAGASA assistant weather services chief Ana Liza Solis sa Bagong Pilipinas Ngayon briefing.

Bagama’t ang ilang lugar sa bansa ay maaaring tamaan ng tropical cyclones, sinabi ni Solis na ang ibang mga lugar ay maaari pa ring makaranas ng dry spells at tagtuyot dahil sa epekto ng El Niño phenomenon.

Ang mga dry spell ay makikitang magsisimula sa katapusan ng Nobyembre 2023 hanggang Abril 2024, ayon pa kay Solis.

Sa ngayon ang bansa ay papunta na sa Amihan season mula sa Habagat season. RNT

Previous articleSA 1 SALITA LANG, LANGIS NAGMAHAL NA
Next articleDavao De Oro niyanig ng M-6.2 na lindol