MANILA, Philippines- Nais ni Commission on Elections (Comelec) chairman George Garcia na isagawa ang mga susunod na eleksyon sa bansa sa mga mall sa halip na sa mga silid-aralan.
Nagsagawa ng pilot test sa mall-voting nitong Lunes sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa 11 malls sa mga piling lugar sa Metro Manila, Albay, at Cebu City.
Nauna nang iginiit ni Garcia na walang dagdag na ginastos ang Comelec sa mall-voting dahil libre ito.
“Let’s abandon the schools as polling places. It’s high time that we find other places basta libre,” pahayag ni Garcia nitong Lunes.
Binisita ng Comelec chair ang ilang paaralang nagsilbing polling centers nitong Lunes.
“Maluwag ang malls samantalang sa isang eskuwelahan na pinuntahan natin, sa isang kuwarto, napakaliit. Ang liliit pa ng mga upuan ng mga bata,” pahayag niya. RNT/SA