MANILA, Philippines- Hindi rekisitos ang pagpapataw ng drug test para sa mga kandidato ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na maaaring isagawa ng Commission on Elections (Comelec), sinabi ng opisyal nito.
“No. Unconstitutional. No such requirement,” sabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia.
Inihayag ito ni Garcia matapos manawagan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos sa mga kandidato ng BSKE na sumailalim sa drug test sa gitna ng police intelligence reports na nasa 430 barangay officials ang sangkot sa ilegal na droga.
Gayunman, sinabi ni Garcia na mayroon nang Supreme Court decision sa usapin na binanggit ang kaso noong 2008 ng Aquilino “Nene” Pimentel, Jr. vs Comelec.
Advertisement